Asian Games Village, opisyal na binuksan

2023-09-16 18:05:18  CMG
Share with:

 

Opisyal na binuksan ngayong araw, Setyembre 16, 2023, ang Ika-19 na Asian Games Village.

 

Ang kasalukuyang Asian Games Village ay binubuo ng main village sa Hangzhou, host city ng palaro, at limang athletes' village sa Ningbo, Wenzhou, Jinhua, Chun'an, at Tonglu, mga lugar na pagdarausan ng ilang paligsahan o malapit sa Hangzhou.

 

Ang main village sa Hangzhou ay maglilingkod sa mahigit 20 libong tao, na kinabibilanga ng mga atleta, opisyal, at manggagawa, sa panahon ng palarong gaganapin mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.


Editor: Liu Kai