Hangzhou Asian Games International Broadcast Centre, sinimulan ang operasyon

2023-09-02 18:23:29  CMG
Share with:

 

Sinimulan kahapon, Setyembre 1, 2023, sa Hangzhou, punong lunsod ng lalawigang Zhejiang sa silangan ng Tsina, ang operasyon ng Hangzhou Asian Games International Broadcast Centre (IBC). Samantala, sinimulan din ang Asian Games Art Production Season.

 

Dumalo sa seremonya ng pagsisimula sina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG); Huang Chuanfang, miyembro ng CMG editorial board; Yao Gaoyuan, Pangalawang Presidente at Pangkalahatang Kalihim ng Lupong Tagapag-organisa ng Hangzhou Asian Games at Alkalde ng Hangzhou; at iba pang mga tauhan.

 


Sinabi ni Huang, na ang kapwa isports at sining ay komong wika para sa mga tao, at sa mga ginawang programa, mahusay na pinagsama-sama ng CMG ang kagandahan ng sining at kagalakan ng isports.

 

Dagdag niya, sa panahon ng Hangzhou Asian Games, magkakaloob ang CMG ng nangungunang serbisyo sa mga awtorisadong media outlet sa Asya, pati na rin ang mahusay na pagsasahimpapawid sa buong mundo.


 

Ipinahayag naman ni Yao ang pag-asang, magtatagumpay ang pagkokober ng CMG sa Asian Games, at ipapakita rin nito ang mga natatanging pang-akit ng lunsod ng Hangzhou.

 

Ang IBC ay matatagpuan sa Hangzhou International Expo Center, at pinatatakbo ito ng CMG upang tipunin, gawin, at ipamahagi ang mga signal ng telebisyon at radyo para sa Hangzhou Asian Games and Asian Para Games. Sa kabuuan, ipapamahagi at ihahatid ang 3,500 oras ng mga signal sa 21 awtorisadong internasyonal na broadkaster.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos