Main Media Center ng Hangzhou Asian Games, opisyal na sinimulan ang operasyon

2023-09-18 16:34:10  CMG
Share with:

Opisyal na sinimulan ang operasyon ngayong araw, Setyembre 18, 2023, ang Main Media Center (MMC) ng Ika-19 na Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, Tsina.

 


Matatagpuan sa Hangzhou International Expo Center ang MMC at malapit ito sa Hangzhou Olympic Sports Centre Venue Cluster. Halos 50 libong metro kuwatrado ang kabuuang saklaw ng MMC, at binubuo ito ng iba’t ibang area na kinabibilangan ng Main Press Center (MPC), International Broadcast Center (IBC), Main Broadcaster’s Operation Center, at iba pa.

 

Mayroon ding area na panserbisyo at area ng pagtatanghal ng kultura sa loob ng MMC.

 


Idaraos mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 8, 2023, sa lunsod Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang Ika-19 na Asian Games.

 

Salin:Sarah

Pulido:Liu