Ipinahayag kamakailan ni Kalihim Gina Raimondo ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika, na "nabahala" siya sa pagkakapalabas ng bagong telepono ng Huawei, na may 7 nanometrong chip kasabay ng kanyang pagbisita sa Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 20, 2023, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang oras ng pagpapalabas ng bagong telepono ay sariling kapasiyahan ng Huawei.
Binigyan-diin ni Mao na palagiang tinututulan ng Tsina ang pang-aabuso ng Amerika sa konsepto ng pambansang seguridad na naglalayong sugpuin ang kompanyang Tsino.
Ang diskriminatibong aksyong ito ay nakakasira sa prinsipyo ng malayang kalakalan, pandaigdigang regulasyon ng kabuhayan at kalakalan, katatagan ng kadena ng suplay ng mundo, at hindi angkop sa kapakanan ng anumang panig, diin niya.
Saad ni Mao, hindi mahahadlangan o masusugpo ang pag-unlad ng Tsina, at sa halip, lalo pang lalakas ang kapasiyahan at kakayahan ng bansa sa pagsasarili at siyentipikong inobasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio