Ayon sa artikulong inilabas kamakailan ng Ministri ng Seguridad Pang-estado ng Tsina, mula pa noong 2009 ay inilulunsad na ng Amerika ang mga impiltrasyon, pag-eespiya, at cyber na pag-atake laban sa kompanyang Tsinong Huawei.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 25, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos nitong ipinakikita ang ginagawang paghadlang ng pamahalaang Amerikano sa pag-unlad ng mga kompanyang Tsino sa ilegal at di-pantay na paraan.
Mahigpit aniyang kinokondena ng Tsina ang iresponsableng aksyon ng pamahalaang Amerikano.
Diin ni Wang, ito ay tipikal na mapagkunwari at pulitikal na manipulasyon ng Amerika.
Umaasa ang Tsina na hindi makikisangkot ang ibang bansa sa ginagawang “pulitikal na koersyon” ng Amerika sa Tsina, para mapangalagaan ang pantay, bukas, inklusibo at walang-diskriminasyong kapaligiran ng negosyo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio