Ipinahayag kamakailan ni Kishore Mahbubani, dating diplomata ng Singapore, na ayon sa isang mataas na ehekutibo ng Britanya, ipinadala ng Britanya ang mga tauhan ng intelligence sa Huawei, para kumpirmahin na hindi banta ang Huawei. Pero, pagkaraan ng ilang buwan, bumaliktad ang Britanya dahil sa presyur mula sa Amerika.
Hanggang ngayon, walang anumang pahayag hinggil dito ng opisyal ng Britanya.
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 17, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dahil sa kapakanang pulitikal, may ilang mga indibidwal at panig sa Britanya ang sumusunod sa ilang mga bansa, at ipinapataw kahit di dapat ang konsepto ng pambansang seguridad, upang pigilan ang ilang mga kumpanyang Tsino, at ang kapalit ay ang kawalan ng pagkakataon magamit ng mga mamamayan ng Britanya ang 5G technology.
Ang ganitong gawi ay nakakapinsala sa iba at walang dulot na pakinabang sa sarili, saad ni Zhao.
Salin:Sarah
Pulido:Mac