Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa lalawigang Zhejiang, pinatnubayan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang proseso ng pamumuno ng lalawigan sa modernisasyon.
Ang lalawigang Zhejiang ay tinatawag na nasa harapan ng modernisasyong Tsino.
Nitong nakalipas na mahigit isang dekada, aktibong niresolba ng Zhejiang ang mga problemang pandaigdig na gaya ng kakulangan sa lupa, koryente, tubig at manggagawang teknikal, ekstensibong ekonomiya at iba pa, at hinanap ang sariling landas ng de-kalidad na pag-unlad.
Sa proseso ng kanyang inspeksyon, sinabi ni Xi na dapat gawing pundasyon ng pagbuo ng modernong sistema ng industriya ang real economy, pabilisin ang pagkakamit ng breakthrough sa prontera ng siyensiya’t teknolohiya, pasulungin ang pagiging high-end, matalino at berde ng industriya ng manupaktura, at itatag ang estratehiko’t kolektibong bagong sibol na industriya at industriyang didyital na may pandaigdigang kakayahang kompetetibo.
Ipinagdiinan din niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagbubukas sa mataas na antas at pribadong kabuhayan sa modernisasyon ng Tsina.
Tinukoy niyang dapat matatag na palawakin ng Zhejiang ang institusyonal na pagbubukas, inobatibong gamitin ang puhunang dayuhan, at isagawa ang pilot project sa mga aspektong gaya ng pagbubukas ng industriya ng serbisyo, didyital na pag-unlad, pangangalga sa kapaligiran at iba pa.
Hiniling din niyang gawing modelo ang Zhejiang sa pagpapasulong sa komong kasaganaan, at gawing priyoridad ang pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga lunsod at nayon, magkakaibang rehiyon at diperensya sa kita.
Isang bagong misyong kultural ang iniharap din ni Xi para sa Zhejiang: pasulungin ang inobatibong pagbabago at pag-unlad ng namumukod na tradisyonal na kultura, at tuluy-tuloy na paunlarin ang modernong sibilisasyong Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Rhio