Sa ilalim ng temang “Sustenableng Transportasyon: Magkakasamang Pagsisikap Tungo sa Pagpapasulong ng Pandaigdigang Pag-unlad,” binuksan, Setyembre 25, 2023, sa Beijing ang 2023 Global Sustainable Transport Forum (GSTF).
Malawak na nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa pagpapasulong ng konektibidad sa didyital na panahon, pagpapabilis ng pagbabago ng berde at mababang karbong transportasyon, at iba pang tema.
Ayon sa kanila, naitatag na ng Tsina ang pinakamalaking high-speed railway network, highway network, postal express network at port cluster sa antas ng daigdig.
Kasabay ng pagsasakatuparan ng sariling pag-unlad, nakisanggot din anila ang Tsina sa imprastruktura ng mga bansa, partikular, ipinagkaloob ng Belt and Road Initiative (BRI) ang “kalutasan ng Tsino” tungo sa pagpapabuti ng kondisyon ng transportasyon ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio