Xi Jinping, bumati sa bagong halal na pangulo ng Maldives

2023-10-04 18:31:45  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Oktubre 3, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Mohamed Muizzu bilang pagbati sa kanyang pagkahalal na pangulo ng Maldives.

 

Sa mensahe, sinabi ni Xi, na mahaba ang kasaysayan ng mapagkaibigang pagpapalagayan ng Tsina at Maldives. Ang dalawang bansa aniya ay hindi lamang magkaibigang may taos-pusong pagtitiwalaan at pagtutulungan sa isa’t isa, kundi magkatuwang din para sa komong kaunlaran at kasaganaan.

 

Ipinahayag din ni Xi ang lubos na pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Maldives. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Muizzu, para ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at pasulungin ang pagtamo ng bagong progreso sa komprehensibo, mapagkaibigan, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa na nakatuon sa kinabukasan.


Editor: Liu Kai