Mga pangulo ng Tsina at Maldives, nagpalitan ng pagbati sa ika-50 aniberasryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2022-10-14 17:39:04  CMG
Share with:

Kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Maldives, nagpalitan ngayong Biyernes, Oktubre 14, 2022 ng mga mensaheng pambati sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Ibrahim Mohamed Solih ng Maldives.

 

Tinukoy ni Xi na lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Maldivian, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Solih, para mapasulong ang matatag na pag-abante ng komprehensibo, mapagkaibigan at kooperatibong partnership ng dalawang bansa tungo sa kinabukasan, at ihatid ang mas maraming kabiyayaan sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.

 

Inihayag naman ni Pangulong Solih ang pananalig na mas lalalim at lalawak pa ang pangmatagalang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac