Ikalawang pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, sinimulan ng Hapon

2023-10-05 16:13:06  CMG
Share with:

Sinimulan ngayong araw ng Hapon, Oktubre 5, 2023, ang ikalawang kabanata ng pagtatapon sa dagat ng nuklear na kontaminadong tubig mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.

 


Plano ng Tokyo Electric Power Company na itapon ang mga 7,800 toneladang nuklear na kontaminadong tubig sa loob ng 17 araw, gaya ng unang ginawa nito mula Agosto 24 hanggang Setyembre 11, 2023.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio