Higit 100 milyon, biyahero ng tren sa isang linggong bakasyon sa Tsina

2023-10-05 16:07:08  CMG
Share with:

Ayon sa datos na ipinalabas Oktubre 4, 2023, ng China State Railway Group Co. Ltd., tagapagpatakbo ng daambakal ng bansa, umabot sa mahigit 114 na milyon ang naitalang pampasaherong biyahe ng tren nitong nakaraang 7 araw, at noong Oktubre 3 lamang ay lampas 17 milyon ang nasabing biyahe.

 


Sa isang pahayag, sinabi ng naturang tanggapan na ligtas, matatag at maayos ang operasyon ng tren sapul noong Setyembre 27, na siyang simula ng “travel rush.”

 

Mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 6, 2023, ipinagdiriwang ng Tsina ang Pestibal ng Gitnang Taglagas at Pambansang Araw.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio