Sa panahon ng pagdalo sa Ika-3 Trans-Himalaya Porum ng Xizang ng Tsina Para sa Pandaigdigang Kooperasyon, magkakahiwalay na nakipagtagpo, Oktubre 5, 2023, si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa mga kalahok na lider ng iba’t-ibang bansa.
Sa pakikipag-usap ni Wang kay Pangalawang Punong Ministrong Sainbuyan Amarsaikhan ng Mongolia, ipinahayag niyang ang Tsina at Mongolia ay magkaibigang magkapit-bansa.
Sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Punong Ministrong Sainbuyan Amarsaikhan ng Mongolia
Sa patnubay ng mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang panig, dapat aniyang palakasin ng Tsina at Mongolia ang pagtitiwalaan, para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Sainbuyan Amarsaikhan na iginigiit ng kanyang bansa ang mapagkaibigang patakaran sa Tsina, at iginagalang ang nukleong kapakanan ng isa’t-isa, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Urmila Aryal, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Nepal, sinabi ni Wang na ang relasyon ng Tsina at Nepal ay modelo ng pagkakapantay-pantay, kooperasyon at win-win na situwasyon sa pagitan ng malaki at maliit na bansa.
Sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Urmila Aryal, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Nepal
Matatag aniyang sinusuportahan ng Tsina ang Nepal sa pangangalaga nito sa soberanya at kabuuan ng teritoryo, at nakahanda rin ang Tsina upang patuloy na ipagkaloob ang tulong sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Nepal.
Ipinahayag ni Aryal na ang Nepal ay kaibigan at partner ng Tsina.
Matatag na nananangan ang Nepal sa patakarang isang-Tsina, aniya pa.
Sa pakikipag-usap kay Ministrong Panlabas Jalil Abbas Jilani ng Pakistan, sinabi ni Wang na nais ibahagi ng Tsina ang pagkakataon ng modernisasyon para tulungan ang Pakistan na maisakatuparan ang sariling pag-unlad.
Sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Ministrong Panlabas Jalil Abbas Jilani ng Pakistan
Sa kanyang sagot, sinabi ni Jalil Abbas Jilani na ang pagpapa-unlad ng relasyon sa Tsina ay pundasyon ng patakarang panlabas ng Pakistan.
Isasagawa aniya ng Pakistan ang malakas na hakbangin para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga organo, personahe at proyekto ng Tsina sa bansa.
Pinapupurihan ng Pakistan ang mahalagang papel na ginaganap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at panig Tsino sa pangangalaga sa rehiyonal na kapayapaan at katatagan, saad pa niya.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Amir Khan Muttaqi, Umaaktong Ministrong Panlabas ng Pansamantalang Gobyerno ng Afghanistan, ipinahayag ni Wang na palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Afghanistan, at itutuloy ng Tsina ang pagsusulong ng relasyon ng Afghanistan sa mga kapit-bansa nito.
Sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Amir Khan Muttaqi, Umaaktong Ministrong Panlabas ng Pansamantalang Gobyerno ng Afghanistan
Sinabi ni Muttaqi na pinahahalagahan ng Afghanistan ang relasyon sa Tsina at umaasa siyang aktibong magkakaroon ng pagkakataon ang Afghanistan upang makisanggot sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI).
Aktuwal na igagarantiya ng Afghanistan ang kaligtasan ng mga Tsino sa bansa, diin pa niya.
Ang Ika-3 Trans-Himalaya Porum ng Xizang ng Tsina Para sa Pandaigdigang Kooperasyon ay idinaraos mula Oktubre 4 hanggang 6, 2023 sa Nyingchi, dakong timong kanluran sa Rehiyong Awtonomo ng Xizang ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio