Ika-3 Trans-Himalaya Porum ng Xizang ng Tsina para sa Pandaigdigang Kooperasyon, dinaluhan ni Wang Yi

2023-10-06 16:37:54  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Oktubre 5, 2023 sa Ika-3 Trans-Himalaya Porum ng Xizang ng Tsina para sa Pandaigdigang Kooperasyon, sinabi ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang mga bansa sa rehiyong trans-Himalaya ay may malakas na ugnayan, may similar na kultura at may komong kinabukasan.

 


Kasama ng iba’t-ibang bansa sa rehiyon, nakahanda aniyang magsikap ang Tsina para itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran, at ibigay ang ambag para sa kasaganaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.

 

Bokud dito, iminungkahi ni Wang na dapat igiit ang paggagalangan at pagtitiwalaan, palalimin ang berdeng pagbabago, palakasin ang pag-u-ugnayan, at dagdagan ang pagpapalitan.

 

Sa kanya namang pakikipagtagpo sa mga kinatawan mula sa iba’t-ibang bansa, ipinahayag ni Wang na malugod na tatanggapin ng Tsina ang mga kaibigan mula sa iba’t-ibang bansa na nais bumisita sa Xizang upang kanilang masaksihan ang malalaking bunga ng pag-unlad sa kabuhayan at lipunan, at maligayang pamumuhay ng mga mamamayan sa rehiyon.

 

Nagpalitan din ng palagay at ideya ang mga kalahok tungkol sa mga paksang gaya ng ekolohikal na kapaligiran, pag-unlad, kooperasyon at iba pa.

 

Ayon sa kanila, natamo ng Xizang ang malalaking bunga sa pag-unlad, at pinapurihan din nila ang mahalagang papel ng porum para sa pagpapalakas ng kooperasyon ng mga bansa sa rehiyon.

 

Buong pagkakaisa rin nilang ipinalalagay na dapat magkakasamang magsikap para isakatuparan ang dibersidad ng sibilisasyon ng sangkatauhan at ibahagi ang bunga ng kooperasyon at pag-unlad.

 

Idinaos mula Oktubre 4 hanggang 6, 2023 sa Nyingchi, dakong timog kanluran sa Rehiyong Awtonomo ng Xizang ng Tsina, kalahok sa Ika-3 Trans-Himalaya Porum ng Xizang ng Tsina para sa Pandaigdigang Kooperasyon ang mga kinatawan mula sa mahigit 40 bansa, rehiyon at organisasyon.

 

Ito ay nasa magkasamang pagtataguyod ng pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Xizang at Ministring Panlabas ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio