Delegasyon ng Senado ng Amerika, dumating sa Tsina

2023-10-07 16:29:24  CMG
Share with:

Isang bipartisan na delegasyon ng mga senador ng Amerikang pinamumunuan ni Senate Majority Leader Chuck Schumer ang dumating Oktubre 7, 2023 sa Shanghai, Tsina – unang istasyon ng kanilang pagdalaw sa bansa.

 

(file photo)

Sa pahayag, Oktubre 4, 2023 ng Ministring Panlabas ng Tsina, sinabi nitong umaasa ang bansa, na ang nasabing pagbisita ay magbibigay ng ambag para sa mas obdyektibong pag-unawa ng Kongreso ng Amerika sa Tsina, magpapabuti sa diyalogo at komunikasyon sa pagitan ng mga lehislatura ng dalawang bansa, at magpapasulong sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio