CMG Komentaryo: “Demokratikong Naratibo” ng Amerika, walang kredibilidad

2023-10-06 17:05:59  CMG
Share with:

Napatalsik, Oktubre 3, 2023 si Kevin McCarthy sa kanyang posisyon  bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Amerika, makaraan lamang ang 9 buwang panunungkulan.

 


Ito ngayon ay nagdudulot ng pagkabalisa sa iba’t-ibang sirkulo ng Amerika, at nakikitang magpapalubha sa alitan sa pagitan ng dalawang partido ng bansa.

 

Sa kasaysayan ng Amerika, si McCarthy ang unang Ispiker ng Mababang Kapulungan na napatalsik sa puwesto.

 

Ayon sa mga tagapag-analisa, ang alitan sa pagitan ng Partido Demokratiko at Liberal ay mahalagang dahilan ng pangyayaring ito.

 

Ang alitan sa pagitan ng nasabing mga partido ay palagiang pokus ng pulitika sa Amerika, pero ito ay sumisidhi nitong mga nakalipas na taon.

 

Ayon naman sa iba pang dalubhasa, umiiral ang maliwanag na problema sa sistema ng Amerika.

 

Dahil pinagsisilbihan ng umano’y demokrasya ang personal na interes ng ilang tao, nawawalan ng kredibilidad ang “Demokratikong Naratibo” ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio