Hindi pa rin tumitigil hanggang, Linggo, Oktubre 8, 2023 ang mainit na sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas, armadong organisasyon sa Gaza Strip ng Palestina.
Kaugnay nito, halos 1,000 katao na ang naitalang nasawi at mahigit 4,000 iba pa ang nasugatan.
Nanawagan ang komunidad ng daigdig sa iba’t-ibang kaukulang panig na magtimpi at agarang itigil ang bakbakan, upang proteksyunan ang mga sibiliyan, at iwasan ang ibayo pang paglala ng situwasyon.
Samantala, pangkagipitan namang nagsanggunian nang araw ring iyon ang mga lider ng maraming bansa sa rehiyon.
Sa kanyang pahayag Oktubre 7, 2023, hinimok ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) na iwasan ang paglawak ng sagupaan sa pamamagitan ng diplomatikong sigasig.
Ipinagdiinan niyang hindi mareresolba ng dahas ang di-pagkakaunawaan.
Sa pamamagitan lamang ng pagkakasundo ng dalawang panig at pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan, maisasakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan, diin niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio