Pagpapabuti ng ugnayang Sino-Amerikano, ipinanawagan ng ministrong panlabas ng Tsina

2023-10-10 16:41:05  CMG
Share with:


Nakipagtagpo Lunes, Setyembre 9, 2023 sa Beijing si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa delegasyong kongresyonal ng Amerika na pinamumunuan ni Senate Majority Leader Chuck Schumer.

 

Winewelkam ni Wang ang pagbisita ng delegasyong ito sa Tsina.

 

Umaasa aniya siyang mas wastong mauunawaan ng mga senador ang Tsina, mas obdyektibong titingnan ang Tsina, at mas makatarungang kokontrulin ang mga umiiral na alitan ng kapuwa panig, at gagampanan ang konstruktibong papel para sa muling pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog na pag-unlad.

 

Dapat totohanang ipatupad ng panig Tsino’t Amerikano ang mahahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa kanilang pagtatagpo sa Bali Island, at buong sikap na patatagin at pabubutihin ang bilateral na relasyon, upang ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa, maging sa buong daigdig, dagdag ni Wang.

 

Inihayag naman ni Schumer at ng ibang miyembro ng delegasyon ang kahandaang batay sa katapatan at paggagalangan, palakasin ang pakikipag-ugnayan at diyalogo sa Tsina, responsableng pangasiwaan ang mga alitan, at iwasan ang bakbakan.

 

Hindi hinahangad ng Amerika ang decoupling o pagkalas ng ugnayan sa Tsina, anila.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil