Pangulong Tsino, dumalo sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng ACFTU

2023-10-10 16:14:40  CMG
Share with:

Dumalo, Lunes, Oktubre 9, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng All-China Federation of Trade Unions (ACFTU) na binuksan sa Great Hall of the People sa Beijing.

 

Dumalo, Lunes, Oktubre 9, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-18 Pambansang Kongreso ng  ACFTU na binuksan sa Great Hall of the People sa Beijing (photo from Xinhua) 


Sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nagtalumpati si Cai Qi, Pirmihang Kagawad ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC.

 

Sa kanyang talumpati, ipinarating ni Cai ang mainit na pagbati sa lahat ng manggagawa at kadre ng unyon sa buong bansa.

 

Aniya, nitong nakaraang 5 taon, pinapalalim ng unyon sa iba’t ibang antas ang reporma at inobasyon, ipinatupad ang kanilang tungkulin na mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawa, pinasulong ang harmoniyang relasyon sa pagitan ng mga employer at employee, at pinakilos ang mga manggagawa na tumahak sa landas ng bagong paglalakbay ng Tsina sa pagtatatag ng modernong sosyalismong bansa.

 

Binigyang-diin ni Cai, na ang nukleong misyong itinakda sa ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC tungkol sa pagtatatag ng malakas na bansa at pagpapasulong sa pagyabong ng nasyon sa pamamagitan ng paraang Tsino sa modernisasyon ay direksyon ng mga gawain ng trade union. Kaugnay nito, nanawagan siya sa lahat ng klase ng manggagawa ng bansa na maging tapat at maaasahan, at patuloy na igiit ang nobleng prinsipyo ng pagkakaisa.

 

Dumalo sa pulong ang mga 2,000 manggagawa sa iba’t ibang sirkulo at mahigit 50 espesyal na delegado.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil