Tigil-putukan, pinakamahalaga sa kasalukuyan – espesyal na sugo ng Tsina sa isyu ng Gitnang Silangan

2023-10-12 17:05:08  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono Oktubre 11, 2023, kay Pangalawang Ministrong Panlabas Amal Jadou ng Palestina, sinabi ni Zhai Jun, Espesyal na Sugo ng Tsina sa Isyu ng Gitnang Silangan, na ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay ang agarang pagkakaroon ng tigil-putukan at pangangalaga sa mga sibilyan.

 


Aniya, dapat aktuwal na gumanap ng papel ang komunidad ng daigdig para sa magkakasamang pagpapahupa ng kalagayan at pagkakaloob ng makataong tulong sa mga Palestino.

 

Ang kalutasan ng alitan sa pagitan ng Palestina at Israel ay pagbalik sa pundasyon ng “Two-State Solution,” pagpapanumbalik ng mapayapang talastasan, at pagtatayo ng independiyenteng estado ng Palestina, saad ni Zhai.

 

Sinabi din niyang patuloy na magsisikap ang Tsina para pasulungin ang tigil-putukan, mapahupa ang makataong krisis, at aktibong pasulungin ang mapayapang talastasan.

 

Ito aniya ay para sa komprehensibo, makatarungan, at pangmalayuang paglutas sa isyu ng Palestina.

 

Samantala, pinasalamatan ni Jadou ang Tsina sa palagian nitong paggigiit ng makatuwirang paninindigan.

 

Umaasa aniya ang Palestina na patuloy na gaganap ng konstruktibong papel ang Tsina sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio