Media cooperation, palalalimin sa ilalim ng BRI - CMG at media ng iba’t ibang bansa

2023-10-13 17:49:06  CMG
Share with:

 

Bilang pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Belt and Road Initiative (BRI), itinaguyod kahapon, Oktubre 12, 2023, sa Beijing, ng China Media Group (CMG) ang Ika-11 Global Video Media Forum.


 

Sa on-site at online na porma, dumalo sa porum sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG; Sun Yeli, Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina; at ang mga kinatawan mula sa mga dayuhang media outlet na gaya ng Lianhe Zaobao, Associated Press, Reuters, Lao News Agency, Emirates News Agency, at iba pa; at mga media organization ng daigdig na kinabibilangan ng Asia-Pacific Broadcasting Union, African Broadcasting Union, Pacific Islands News Association, Latin American Union of News Agencies, European News Exchange, at iba pa.

 

Tinalakay ng mga kalahok ang tungkol sa mga papel ng media sa magkakasamang pagtatatag ng Belt and Road, at pagpapalakas ng kooperasyon ng mga media sa loob ng balangkas ng BRI.

 

Bilang isang mahalagang bunga ng porum, inilabas ng CMG at 81 media outlet ng 42 bansa ang Declaration on Joint Action tungkol sa pagsasabalikat ng mga responsibilidad na panlipunan ng media at pagpapasulong ng pagbabahagi ng mga yaman, karanasan, at teknolohiya.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos