Dumating Oktubre 15, 2023, sa Kabul, kabisera ng Afghanistan ang unang batch ng tulong-materyal na kaloob ng Tsina sa bansa.
Sa seremonya ng paglilipat, sinabi ni Zhao Xing, Embahador ng Tsina sa Afghanistan, na ang mga materyal ay tulong sa mga Afghan upang maka-ahon sa kahirapan.
Ito ay nagpapakita ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, aniya pa.
Nananalig siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng caretaker government ng Afghanistan at iba’t-ibang sirkulo ng lipunan, tiyak na muling maitatayo ng mga mamamayang Afghan ang kanilang lupang tinubuan.
Samantala, ipinahayag ni Mohammed Hassan Akhund, Acting Minister of Disaster Management ng Afghanistan, na napapanahon ang makataong materyal na ipinagkaloob ng Tsina.
Lubos aniyang nagpapasalamat ang Afghanistan sa Tsina.
Matatandaang mahigit 2,400 katao ang namatay, Oktubre 7, 2023 sa dakong hilagang kanluran ng bansa dahil sa dalawang lindol na may lakas na 6.2 sa Richter Scale.
Noong Oktubre 11, isa pang lindol na may lakas na 6.3 sa Richter Scale ang tumama sa Afghanistan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio