Aklat ng diskurso ni Xi Jinping sa BRI, inilathala sa maraming wika

2023-10-17 16:12:50  CMG
Share with:

Idinaos, Oktubre 16, 2023 sa Beijing, ang seremonya ng pasinaya sa aklat ng mga diskurso ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa Belt and Road Initiative (BRI).

 

Kinapapalooban ng 42 artikulo hinggil sa magkasamang pagtatatag ng BRI mula Setyembre 2013 hanggang Hulyo 2018, ang aklat ay inilathala sa limang wikang kinabibilangan ng Arabe, Espanyol, Portuges, Aleman, at Hapones.

 

Nakalarawan at nakapaliwanag din sa aklat ang proseso ng paglalahad, pagpapasagana at pagpapaunlad ng BRI; at prinsipyo, ideya, target at paraan ng pagtatag ng BRI.

 

Ito ang pinaka-awtoratibong teksto para sa mga mambabasang nais malaman ang mahalagang katuturan ng nasabing inisyatiba.

 

Mahigit 100 kataong kinabibilangan ng mga embahador ng mga bansa sa kahabaan ng BRI, dalubhasa, iskolar, kinatawan sa sirkulo ng pagsasalin at paglalathala, at iba pa ang lumahok sa seremonya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio