Abalang-abala ang mga magsasaka ng durian sa Davao nitong panahon ng anihan.
Dahil sa pagbisita sa Tsina, Enero 2023, ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong" R. Marcos Jr., nilagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan hinggil sa kalakalan ng sariwang durian.
Ayon sa Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas (DA), tinatayang mailuluwas sa Tsina ang mahigit 54,000 toneladang durian ngayong taon.
Sa eksklusibong panayam kamakailan ng China Media Group Serbisyo Filipino (CMG-SF) sa Presidente ng Durian Industry Association of Davao City (DIADC) na si Emmanuel Belviz, ibinahagi niya ang iba’t-ibang paraan kung paano isinisigurado ang kalidad ng mga durian, na iniluluwas sa merkadong Tsino.
Aniya, tuluy-tuloy na nagluluwas ng dekalidad na sariwang durian sa Tsina ang Pilipinas.
Video: Kulas
Pulido: Rhio/ Jade