Panukalang resolusyon sa kalagayan ng Palestina at Israel, di inaprobahan ng UNSC

2023-10-19 16:06:41  CMG
Share with:

Dahil sa pag-veto ng Amerika, hindi napagtibay, Oktubre 18, 2023, sa United Nations Security Council (UNSC) ang panukalang resolusyon hinggil sa kalagayan ng Palestina at Israel na isinulong ng Brazil.

 

The UN Security Council holds a vote on a Brazilian-drafted resolution that calls for humanitarian pauses in Gaza, at the UN headquarters in New York, October 18, 2023.(photo from Xinhua)


Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, ang pagkabigla sa nasabing resulta.

 

Aniya, kailangang pag-ibayuhin at pagbutihin ang nasabing panukala, pero dapat ipakita ang malakas na hangarin para sa tigil-putukan upang mapangalagaan ang mga Palestino at maiwasan ang makataong krisis.

 

Iminungkahi aniya ng Tsina ang pagpapabuti sa nasabing panukalang resolusyon, at suportado niya ang mga amiyendang isinusulong ng Rusya.

Ikinalulungkot ng Tsina ang di-pag-aproba sa panukala, saad ni Zhang.

 

Dagdag niya, kailangan isagawa ng UNSC ang malakas na aksyon dahil mabilis na lumalalala ang kalagayan sa Gaza Strip.

 

Kailangang pakinggan ng UNSC ang panawagan ng mga bansang Arabe at mga mamamayan ng Palestina, aktuwal na isakatuparan ang responsibilidad, gumanap ng papel para sa tigil-putukan, pangalagaan ang mga Palestino, at tumulong upang maiwasan ang mas malaking makataong krisis, aniya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio