Kooperasyon ng BRI, bukas: paglahok ng iba’t-ibang panig, tatanggapin

2023-10-19 16:03:54  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Oktubre 18, 2023, tinukoy ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang kooperasyon ng “Belt and Road Initiative (BRI)” ay bukas na plataporma at malugod na tatanggapin ang mga gustong lumahok.

 

Si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa press conference (photo from Xinhua)


Umaasa aniya ang Tsina na mananatiling bukas sa nasabing inisyatiba ang ibang bansa, para iwasan ang paggu-grupu-grupo.

 

Nakahandang ang Tsina, na i-ugnay ang BRI sa mga inisyatiba ng pag-unlad ng ibang mga bansa, para magkakasamang maisagawa ang kooperasyong makakabuti sa mga umuunlad na bansa, saad ni Wang.

 

Matatandaang, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang walong aksyon para suportahan ang dekalidad at magkakasamang pagtatatag ng BRI.

 

Kabilang sa mga ito ang pagtatatag ng konektibong network ng BRI, pagpapasulong ng berdeng pag-unlad, pagsasagawa ng mga aktuwal na kooperasyon, pagpapasulong ng di-pampamahalaang pagpapalitan, pagpapabuti ng pandaigdigang kooperasyon sa ilalim ng BRI, at iba pa.

 

Sa panahon ng Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), itinala rin ng iba’t-ibang panig ang 458 bunga.

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio