Banyagang panauhin sa BRF, kinatagpo ng ministrong panlabas ng Tsina

2023-10-17 16:19:30  CMG
Share with:

Beijing, Tsina – Magkakahiwalay na nakipagtagpo, Lunes, Oktubre 17, 2023 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa mga banyagang panauhin na kalahok sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

 

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, inihayag ni Wang ang pagtanggap sa patuloy at aktibong pagsali ng Rusya sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), tungo sa pagpapasulong ng komong kaunlaran.

 


Tinukoy niyang ang susunod na taon ay ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, kaya kailangang maayos na iplano ng kapuwa panig ang mga aktibidad sa okasyong ito, palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan, patibayin ang tradisyonal na pagkakaibigan, at pasulungin ang pagkakaibigan sa hene-henerasyon.

 

Inihayag naman ni Lavrov ang pag-asa ng panig Ruso na mananatili ang malakas na estratehikong ugnayan sa panig Tsino, at lalalim pa ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Sa kanya namang pakikipagtagpo kay Kao Kim Hourn, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), inihayag ni Wang na puspusang susuporta ang Tsina sa mga gawain ni Kao, at umaasa siyang patuloy na gagampanan ng Sekretaryat ng ASEAN ang positibong ambag para sa kooperasyon ng magkabilang panig.

 


Saad naman ni Kao, marami ang pakinabang ng mga bansang ASEAN sa BRI nitong nakalipas na isang dekada, at matagumpay na sumusulong ang isang ang mga proyektong pangkooperasyon sa mga bansang ASEAN, kaya patuloy at aktibong sasali ang mga kasapi ng ASEAN sa BRI.

 

Bukod pa riyan, kinatagpo rin ni Wang ang iba pang mga counterpart na kinabibilangan nina Rasit Meredow ng Turkmenistan, Batmunkh Battsetseg ng Mongolia, at Peter Szijjarto ng Hungary.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio