Sa kanyang liham na pambati, Huwebes, Oktubre 19, 2023 sa Ika-5 China-Russia Energy Business Forum, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dahil sa magkasamang sigasig ng panig Tsino’t Ruso nitong nakalipas na maraming taon, naging modelo ng pragmatikong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ang kooperasyon ng dalawa bansa sa enerhiya, at ginampanan nito ang positibong papel upang maigarantiya ang seguridad sa enerhiya at sustenableng pag-unlad ng dalawang bansa, maging ng buong mundo.
Kasama ng panig Ruso, nakahandang itayo ng Tsina ang mataas na lebel na kooperasyon sa enerhiya, tuluy-tuloy na palakasin ang pagbangon ng industry at supply chain ng enerhiya, at gawin ang mas malaking ambag sa pagpapasulong sa pangmatagalan, malusog, matatag at sustenableng pag-unlad ng pandaigdigang merkado ng enerhiya, at pagbuo ng pandaigdigang kooperasyon sa malinis na enerhiya, ani Xi sa liham.
Ipinadala rin ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang liham na pambati sa porum.
Salin: Vera
Pulido: Rhio