Ikalawang pangkat ng makataong tulong, pasok sa Gaza

2023-10-23 16:41:03  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng Rafah Border Crossing, dumating, Oktubre 22, 2023, sa Gaza, ang 17 trak na naglalaman ng makataong tulong.

(photo from Xinhua)

Ayon kay Ra'ed el-Gebaly, boluntaryo ng Egyptian Food Bank, kabilang sa nasabing tulong ay pagkain, kagamitang medikal, tubig, kumot, damit at iba pa.

Ito ang ikalawang pangkat ng pangkagipitang materyal para sa mga Palestino sapul noong Oktubre 21.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio