Sa pakikipag-usap sa bagong liderato ng All-China Federation of Trade Unions (ACFTU) Lunes, Oktubre 23, 2023, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa ang paggigiit sa pangkalahatang pamumuno ng CPC sa mga trade union, at pagpapasigla ng aktibong pagsali ng milyung-milyong manggagawa ng bansa sa dakilang usapin ng pagtatatag ng isang malakas na bansa at pag-ahon ng nasyon.
Tinukoy ni Xi na ang working class at ibang working people ay pangunahing tagapaglikha ng kayamanang panlipunan.
Nanawagan siya sa mga trade union na mataimtim na ipatupad ang kani-kanilang saligang tungkulin ng paggarantiya sa mga karapatan at serbisyo ng mga manggagawa, at pag-ukulan ng pansin ang pagresolba sa mga problemang may kinalaman sa kapakanan ng mga manggagawa.
Ipinanawagan din niya ang pagpapalakas ng demokratikong pangangasiwa sa mga bahay-kalakal at institutong pampubliko, paggarantiya sa kaalwanan ng tsanel para sa pagpapahayag ng mga manggagawa ng kani-knilang kahilingan, pagbibigay-patnubay sa pangangalaga ng mga manggagawa ng kani-kanilang karapatan at kapakanan alinsunod sa batas, at pagpapasulong sa pagbuo ng may-harmonyang relasyon ng mga manggagawa.
Binigyang-diin din ni Xi ang pangangailangan ng pagpapalalim ng reporma at konstruksyon ng mga trade union, at hinimok niyang buong sikap na patibayin ang grass-roots level at patingkarin ang kanilang kasiglahan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio