Xi Jinping, nanawagan sa mga estudyanteng Tsino sa ibang bansa na magbigay ng ambag para sa mga usapin ng Tsina

2023-10-21 17:38:32  CMG
Share with:

Idinaos ngayong araw, Oktubre 21, 2023, sa Beijing ang pagtitipun-tipon bilang pagdiriwang sa ika-110 anibersaryo ng pagkakatatag ng Western Returned Scholars Association.

 

Dumalo sa pagtitipun-tipon si Wang Huning, Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference, at binasa niya ang mensaheng pambati mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Sa mensahe, ipinahayag ni Xi ang pagbati sa lahat ng mga estudyanteng Tsino na nag-aral minsan o nag-aaral ngayon sa ibang bansa.

 

Nanawagan siya sa naturang asosasyon, na pagsamahin ang mga talento mula sa buong mundo, at tipunin ang mga mapalikhaing lakas, para sa pagpapaunlad ng iba’t ibang usapin ng bansa.

 

Umaasa rin aniya si Xi, na lubos na patitingkarin ng mga estudyanteng Tsino na nag-aral minsan o nag-aaral ngayon sa ibang bansa ang kanilang mahalagang papel para sa diplomasyang tao-sa-tao ng Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos