Mensaheng pambati, ipinadala ng pangulong Tsino sa pagkahalal ni Daniel Noboa bilang pangulo ng Ecuador

2023-10-26 14:35:16  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Martes, Oktubre 24, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Daniel Noboa, bilang pagbati sa kanyang pagkahalal bilang Pangulo ng Republika ng Ecuador.

 

Ani Xi, ang Ecuador ay importanteng bansa sa Latin-Amerika, at nitong nakalipas na 43 taon, sapul nang maitatag ang ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa, nanatiling mahigpit ang pagpapalitan sa mataas na antas, lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mabunga ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at patuloy na nagkaka-ugat sa puso ng mga mamamayan ang tradisyonal na pagkakaibigan.

 

Kasama ni Noboa, sinabi ni Xi, na handa siyang pasaganain ang komprehensibo’t estratehikong partnership, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina’t Ecuador.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio