Mga unang ginang ng Tsina at Ecuador, nagtagpo at nanood sa Peking Opera

2022-02-06 13:58:16  CMG
Share with:

Nagtagpo Sabado, Pebrero 5, 2022 sa Beijing sina Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at Maria de Lourdes Alcivar, Unang Ginang ng Ecuador.
 

Inihayag ni Peng ang mainit na pagsalubong ng Tsina kay Alcivar at kanyang asawang si Pangulong Guillermo Lasso, para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics.

Mga unang ginang ng Tsina at Ecuador, nagtagpo at nanood sa Peking Opera_fororder_20220206FirstLady

Pinasalamatan naman ni Alcivar ang imbitasyon ni Pangulong Xi at ibinigay na tulong ng Tsina sa aspekto ng paglaban sa pandemiya.
 

Magkasama silang nanood sa Peking Opera.
 

Saad ni Peng, maaaring palawakin ang people-to-people exchanges at kooperasyon ng dalawang bansa, para mapahigpit ang pag-uunawaan ng mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method