Sa kanyang paglahok, Nobyembre 9, 2023 sa Paris, Pransya, sa isang internasyonal na makataong kumperensya na itinaguyod ng Pransya hinggil sa pagtulong sa mga sibiliyan sa Gaza, ipinahayag ni Zhai Jun, Espesyal na Sugo ng Tsina sa Mga Isyu ng Gitnang Silangan, na tinututulan at kinokondena ng Tsina ang lahat ng aksyong nakakapinsala sa mga sibiliyan at paglabag sa pandaigdigang batas.
si Zhai Jun, Espesyal na Sugo ng Tsina sa Mga Isyu ng Gitnang Silangan
Ipinahayag ni Zhai na isinagawa ng Tsina ang mahigpit na komunikasyon sa iba’t ibang kinauukulang panig mula ng sumiklab ang bagong round ng alitan ng Palestina at Israel, ibinigay ang cash assistance sa mga sibiliyan sa Gaza sa pamamagitan ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East at Palestinian National Authority, at ipinagkaloob din ang mga pangkagipitang makataong tulong na materyal na gaya ng pagkain, gamot at iba pa. Patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang makataong tulong sa iba’t ibang paraan ayon sa kailangan ng mga sibiliyan ng Gaza, saad ni Zhai.
Aniya, patuloy na magsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang kinauukulang panig ng komunidad ng daigdig, para sa tigil-putukan sa Gaza, pagaanin ang makataong sitwasyon, at pasulungin ang isyu ng Palestina na babalik sa tumpak na landas ng two-state solution.
Dumalo din sa pulong na ito ang mga iba’t ibang lider ng Pransya, Palestina, at ibang bansa, at mga namamahalang tauhan ng organisasyong pandaigdig at panrehiyon na kinabibilangan ng UN, Unyong Europeo at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil