Xi Jinping, hinahangaan ang papel ng Philadelphia Orchestra para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano

2023-11-11 07:52:46  CMG
Share with:


Ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham kay Matias Tarnopolsky, Presidente at CEO ng Philadelphia Orchestra, bilang sagot sa kanyang naunang liham.

 

Sa liham, ipinahayag ni Xi ang kagalakan sa pagtatanghal ng Philadelphia Orchestra sa Tsina.

 

Ani Xi, noong 1973, nagtanghal ang orkestra na ito sa Tsina sa kauna-unahang pagkakataon, bilang “pagbasag ng yelo” na aktibidad ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at Amerika, at mahalaga ang katuturan nito para sa normalisasyon ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Nitong 50 taong nakalipas aniya, 12 beses na nagtanghal sa Tsina ang naturang orkestra at gumanap ito ng positibong papel para sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Ipinahayag din ni Xi ang mainit na pagtanggap ng Tsina sa mga aktibidad na pansining kasama ng iba’t ibang bansang kinabibilangan ng Amerika, para pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at Amerika at palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng buong mundo.

 

Noong Setyembre 1973, nagtanghal sa Tsina ang Philadelphia Orchestra, at ito ay kauna-unahang pagtatanghal ng orkestrang Amerikano sa bansa pagkaraang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina.

 

Nauna rito, ipinadala ni Tarnopolsky ang liham kay Xi, para sariwain ang kasaysayang ito, at isalaysay ang iskedyul ng pinakabagong pagtatanghal ng kanyang orkestra sa Tsina.


Editor: Liu Kai