Tsina at Amerika, idinaos ang konsultasyon hinggil sa pagkontrol ng armas at non-proliferation

2023-11-09 16:03:09  CMG
Share with:

Idinaos, Nobyembre 6, 2023, sa Washington D.C., ng Tsina at Amerika ang konsultasyon hinggil sa pagkontrol ng armas at non-proliferation.

 


Ayon sa isang pahayag na ipinalabas, Nobyembre 8, 2023, ng Minsitring Panlabas ng Tsina, nangulo sa naturang konsultasyon sina Sun Xiaobo, Puno ng Departamento ng Pagkontrol sa Armas ng Ministring Panlabas ng Tsina, at Mallory Stewart, Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika sa Pagkontrol sa Armas, Beripikasyon, at Kompliansya.

 

Anang pahayag, malalim, matapat at konstruktibong nagpalitan ang dalawang panig ng pananaw hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons, kooperasyon sa pagitan ng limang estado na may nuklear na sandata, nuklear na seguridad, non-proliferation at kontrol sa pagluluwas, kompliansya sa kansunduan ng pagbabawal ng biyolohikal at kemikal na sandata, pagkontrol sa konbensyonal na armas.

 

Binigyan-diin ng kapuwang dalawang panig ang kahalagahan ng pagpapanatili ng komunikasyon at pagpapalitan para palakasin ang mutuwal na pagtitiwalaan, itatag ang komong palagay, hawakan ang pagkakaiba, at hanapin ang paraan ng kooperasyon.

 

Salin:Sarah

Puildo:Ramil