Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Koreo ng Tsina, umabot sa mahigit 5.2 bilyong padala ang tinanggap ng mga departamento ng koreo at kompanya ng delivery sa buong bansa, mula Nobyembre 1 hanggang 11, 2023.
Ito ay lumaki ng mahigit 23% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, anang kawanihan.
Anito pa, sa araw ng “Double Eleven” shopping festival noong Nobyembre 11, 639 milyong padala ang tinanggap ng nasabing mga departamento at kompanya, na lumaki ng mahigit 15.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, ang kabuuang bolyum ng mga padalang pinangasiwaan sa nasabing araw ay 1.87 ulit na mas mataas kaysa pang-araw-araw na negosyo.
Isinalaysay ni Bian Zuodong, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Pagsusuperbisa at Pangangasiwa sa Merkado ng Pambansang Kawanihan ng Koreo, na sa kasalukuyang taon, mas malakas na sinuportahan ng negosyo ng delivery ang pagbangon ng konsumo at pagbuti ng kabuhayan sa peak season.
Aniya, sanhi ng malalimang pagkahalu-halo ng koreo’t delivery at e-commerce, modernong agrikultura, modernong mamupaktura at iba pa, naging pinakamataas sa kasaysayan ang bolyum ng mga padalang pinangasiwaan sa panahon ng “Double Eleven” shopping Festival.
Ipinakikita aniya nito ang kasiglahan ng merkado ng konsumo ng Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio