Ang online June 18 Mid-Year Shopping Festival ay ang pinakahuling aktibidad na nagpakita ng pagbangon ng konsumo ng Tsina, makaraang mapigil ang bagong round ng pagkalat ng Omicron virus sa ilang malaking lunsod ng bansa nitong nakalipas na dalawang buwan.
Ang nasabing taunang shopping bonanza ay unang inilunsad ng JD.com noong 2004 bilang pagdiriwang sa anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Iniulat ng JD.com na hanggang noong nakaraang Sabado, Hunyo 18, 2022, umabot na sa 379.3 bilyong yuan Renminbi ($US 56.47 bilyon) ang kabuuang halaga ng transaksyon sa kasalukuyang shopping festival, at ito ay lumaki ng 10.3% kumpara noong nagdaang taon.
Bilang dalawang lunsod ng Tsina na may pinakamalaking gross domestic product (GDP), makikita sa Beijing at Shanghai ang muling paglakas ng panloob na konsumo matapos ang huling round ng pagkalat ng pandemiya.
Ayon pa sa JD.com, sa 31 lalawigan, munisipalidad at rehiyong awtonomo ng Chinese mainland, ang Beijing at Shanghai ang una at pangalawang may pinakamalakas na kakayahan sa pamimili sa nasabing shopping festival.
Dagdag ng JD.com, lumaki ang pangangailangan ng mga mamimili sa de-kalidad na serbisyo, bago’t berdeng produkto, at mabilis na lumago ang omni-channel retail, produktong agrikultural at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Industriya ng pagde-deliber ng Tsina, lumaki ng halos 19 ulit nitong nakalipas na 10 taon
Pag-ahon ng merkadong Tsino, pinasisigla ng digital consumer voucher
Sasakyang de motor na gamit ang bagong enerhiya, nakapagpasigla ng konsumo sa kanayunan
Konsumo ng Tsina sa bakasyon ng Dragon Boat Festival, masiglang-masigla