Major-country competition, hindi agos ng panahon at hindi lulutas sa mga problemang kinakaharap ng Tsina’t Amerika at daigdig –Xi Jinping

2023-11-16 11:51:25  CMG
Share with:


Sa pagtatagpo nila ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, Miyerkules (local time), Nobyembre 15, 2023 sa Filoli Estate sa San Francisco, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang major-country competition ay hindi agos ng kasalukuyang panahon, at hindi reresolbahin nito ang mga problemang kinakaharap ng Tsina’t Amerka, maging ng buong mundo.

 

Ang Planetang Mundo ay sapat na malaki para sa pagtatagumpay ng kapuwa Tsina at Amerika, at ang sarili nilang tagumpay ay pagkakataon para sa isa’t isa, dagdag ni Xi.

 

Nananalig aniya siyang magiging maliwanag ang kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Salin: Vera

 

Puldio: Ramil