Relasyong Sino-Hapones na angkop sa makabagong panahon, ipinanawagan ni Xi Jinping

2023-11-17 11:07:52  CMG
Share with:

San Francisco, Estados Unidos – Sa pagtatagpo, Nobyembre 16, 2023 (lokal na oras) nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon, sinabi ng pangulong Tsino, na ang 2023 ay ika-45 anibersaryo ng pagkakalagda ng Kasunduan ng Kapayapaan at Pagkakaibigan sa Pagitan ng Tsina at Hapon.

 

Aniya, dahil sa nasabing kasunduan, natiyak ang pangkalahatang direksyon ng pagkakaibigan, kooperasyon, at kapayapaan ng dalawang bansa.

 

Ito rin aniya ay naging pundasyon ng pagtutol ng dalawang panig sa hegemonismo, at isa ring mahalagang yugto sa kasaysayan ng relasyong Sino-Hapones.

 

Ang kasalukuyang daigdig ay may pabagu-bago at magulong kalagayan, at iba’t-iba ang mga panganib at hamon, kaya naman ang mapayapang pakikipamuhayan, pagkakaibigan sa hene-henerasyon, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at komong kaunlaran ang tamang mga hakbang na angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayang Tsino’t Hapones, saad pa ni Xi.

 

Hinimok niya ang Hapon, na sundin ang agos ng panahon, pag-ukulan ng pansin ang komong kapakanan, maayos na hawakan ang mga alitan, sundin ang iba’t-ibang simulaing tiniyak ng apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, muling siguruhin ang katayuan ng estratehikong relasyong may mutuwal na benepisyo, at buong sikap na itayo ang relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng makabagong panahon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio