Tsina at Hapon, nagsagawa ng mga konsultasyon sa mataas na lebel na diyalogong pulitikal

2023-11-10 16:46:24  CMG
Share with:

Nakipagtagpo Nobyembre 9, 2023, sa Beijing, si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa Mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, kay Takeo Akiba, Espesyal na Tagapayo ng Gabinete ng Hapon at Heneral na Kalihim ng Sekretaryat ng Pambansang Seguridad ng Hapon.

 

Nagsagawa sila ng mga konsultasyon sa mekanismo sa mataas na lebel ng diyalogong pampulitika ng Tsina-Hapon.

 


Ipinahayag ni Wang ang prinsipyo at paninindigan ng Tsina sa kasalukuyang relasyong Sino-Hapones, at tinukoy ang tumpak na paraan ng pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Inulit ng dalawang panig na dapat sundin ang iba’t ibang prinsipyo na itinakda ng apat na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, at magsumikap na ibalik ang bilateral na relasyon sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Sinang-ayunan ng dalawang panig na mapanatili ang komunikasyon hinggil dito.

 

Ipinahayag din ni Wang ang posisyon at alalahanin ng Tsina hinggil sa pagtatapon ng Fukushima ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, Taiwan, kasaysayan at iba pang mga isyu. Binigyan-diin niyang dapat isalin ng panig Hapones ang pahayag nito na umaasang mapabuti ang relasyong Sino-Hapones sa aktuwal na aksyon sa lalo madaling panahon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil