Premyer Tsino, dumalo’t nagtalumpati sa Virtual G20 Leaders'Summit

2023-11-23 16:42:02  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Virtual G20 Leaders' Summit, Nobyembre 22, 2023, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na mahirap pa rin sa kasalukuyan ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Virtual G20 Leaders' Summit (photo from Xinhua)


Kaya, dapat patuloy aniyang igiit ang pag-unlad bilang priyoridad, pabilisin ang pagsasakatuparan ng malakas, sustenable, pantay, at inklusibong paglaki ng ekonomiya ng buong mundo.

 

Aniya pa, kailangang isagawa ang mas maraming aktuwal na hakbangin, isakatuparan ang komong palagay na narating sa Ika-18 G20 Summit sa New Delhi, pasulungin ang multilateralismo, palakasin ang kooperasyon sa makro-hakbangin, at pagtuunan ng pansin ang mga isyung pinahahalagahan ng mga umuunlad na bansa sa proseso ng reporma ng mga multilateral na organo.

Kasama ng iba’t-ibang panig, binigyan-diin ni Li na nakahandang magsikap ang Tsina para ibigay ang mas malaking ambag sa pagbangon ng kabuhayan, kaunlaran at kasaganaan ng buong mundo.

 

Samantala, inihayag ng mga kalahok na dapat isakatuparan ng mga miyembro ng G20 ang multilateralismo; palalimin ang kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima, didyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad, artipisyal na intelihensya, at iba pa; pasulungin ang reporma sa sistema ng pagsasa-ayos sa kabuhayang pandaigdig; at palakasin ang suporta’t tulong sa mga umuunlad na bansa, para maisakatuparan ang mas malakas, mas inklusibo at sustenableng pag-unlad.

 

Lumahok din sa summit ang mga lider na miyembro ng G20, mga lider ng mga bansang panauhin, at mga namamahalang tauhan ng mga pandaigdigang organisasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio