Unang China International Supply Chain Expo, binuksan

2023-11-28 16:30:44  CMG
Share with:

Binuksan Martes, Nobyembre 28, 2023 sa Beijing ang kauna-unahang China International Supply Chain Expo (CISCE).

 


Sa ilalim ng temang “Connecting the World for a Shared Future,” kasali sa nasabing 5-araw na ekspo ang 515 kompanya at organong Tsino’t dayuhan.

 

Kabilang dito, ang mga banyagang eksibitor ay katumbas ng 26% ng kabuuang bilang ng mga eksibitor.

 


Itinatayo rito ang mga sona ng pagtatanghal sa magkakaibang kategorya na kinabibilangan ng matalinong sasakyang de motor, berdeng agrikultura, malinis na enerhiya, didyital na siyensiya’t teknolohiya, malusog na pamumuhay at iba pa.

 

Sa panahon ng ekspong ito, idaraos din ang 6 na porum.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil