Premyer Tsino, dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng CISCE at bibigkas ng talumpati

2023-11-24 16:18:47  CMG
Share with:

Ayon sa isang opisyal na anunsyo Biyernes, Nobyembre 24, 2023, dadalo si Premyer Li Qiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng kauna-unahang China International Supply Chain Expo (CISCE) at Global Supply Chain Innovation and Development Forum, pati na rin ng mga kaukulang aktibidad.

 

Bibigkas din siya ng talumpati.

 

Ayon sa salaysay ni Zhang Shaogang, Pangalawang Tagapangulo ng China Council for the Promotion of International Trade, idaraos Nobyembre 28 sa Beijing ang nasabing seremonya ng pagbubukas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil