Binuksan ngayong araw, Nobyembre 30, 2023, sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), ang Ika-28 Sesyon ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28).
Kaugnay nito, ginawa kamakailan ng CGTN ang isang pandaigdig na online poll tungkol sa mga paksa ng pagbabago ng klima.
Ayon sa resulta ng poll, ipinalalagay ng 90.3% ng mga respondent na walang bansa ang makakaiwas sa mga problemang dulot ng pagbabago ng klima, at ang multilateralismo ay ang pangunahing paraan para malutas ang mga problemang ito.
Samantala, sumasang-ayon ang 91.4% ng mga respondent sa pagbibigay ng Tsina ng malaking ambag para sa pagpapasulong ng pandaigdigang pagharap sa pagbabago ng klima.
Editor: Liu Kai