Pangangasiwa sa klima ng mga umuunlad na bansa, suportado ng Tsina

2023-11-29 16:14:08  CMG
Share with:

Inihayag, Nobyembre 28, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang tagapagsagawa at tagapagpasulong ng pandaigdigang pangangasiwa ng klima, taglay ng Tsina ang pinakamalaking network ng malinis na produksyon ng enerhiya sa daigdig.

 

Sa abot ng makakaya, ipagkakaloob aniya ng Tsina ang kaukulang suporta at tulong sa mga umuunlad na bansa.

 


Saad ni Wang, ang Al Dhafra PV2 Solar Power Plant ng United Arab Emirates (UAE) na nakontrata ng isang kompanyang Tsino ay pinakamalaking single photovoltaic na proyekto sa daigdig, at mahalagang proyekto sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) sa larangan ng berdeng enerhiya.

 

Maaaring matugunan ng nasabing planta ang pangangailangan sa koryente ng 200,000 kabahayan, at magbabawas ng 2.4 milyong toneladang pagbuga ng karbon bawat taon, dagdag niya.

 

Bukod dito, isinasabalikat aniya ng Tsina ang iba pang proyekto ng malinis na enerhiya na gaya ng Sachal Wind Power Project sa Pakistan, Noor III Solar-thermal Power Plant sa Morocco, Al Kharsaah PV Power Station sa Qatar, at Garissa PV Power Plant sa Kenya.

 

Ang mga ito ay halimabawa ng pagpapatupad ng Tsina sa ideya ng berdeng pag-unlad, pagpapasulong sa berde’t mababang karbong konstruksyon at operasyon ng imprastruktura, at pagpapalakas ng kooperasyon sa pagharap sa pagbabago ng klima, ani Wang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio