Kooperasyon sa Turkmenistan, palalakasin ng Tsina

2023-11-30 15:49:05  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 28 hanggang 29, 2023, dumalaw sa Turkmenistan si Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina.

 

Sa pagtatagpo nila ni Pangulong Serdar Berdimuhamedov ng Turkmenistan, sinabi ni Ding, na sa kasalukuyang taon, pinataas ng Tsina at Turkmenistan ang bilateral na relasyon sa komprehensibo’t estratehikong partnership.

 

Aniya, bilang mapagkakatiwalaang kaibigan at katuwang ng Turkmenistan, suportado ng Tsina ang pangangalaga ng panig Turkmen sa soberanya, kasarinlan at kabuuan ng teritoryo, at pagtahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan.

 

Tinukoy ni Ding na napakalaki ng nakatagong lakas ng kooperasyong Sino-Turkmen, at malawak ang prospek nito.

 

Dapat aniyang tuluy-tuloy na palalimin at palawakin ng kapuwa panig ang kooperasyon sa mga pangunahing larangan, walang humpay na pasaganahin ang komprehensibo’t estratehikong partnership, at patingkarin ang bagong lakas-panulak para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Turkmenistan.

 

Kasama ng iba’t-ibang bansa ng Gitnang Asya na kinabibilangan ng Turkmenistan, nakahandang pasulungin ng Tsina ang konstruksyon ng mekanismo ng Kooperasyon ng Tsina at Gitnang Asya, dagdag ni Ding.

 


Inihayag naman ng pangulong Turkmen ang kahandaang palakasin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa Tsina, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Samantala, kasama ni Rashid Meredov, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Turkmenistan, pinanguluhan ni Ding, Nobyembre 29 ang Ika-6 na Pulong ng China-Turkmenistan Cooperation Committee.

 

Matapos ito, sinaksihan nila ang paglagda sa serye ng mga dokumento kaugnay ng pagpapalalim ng kooperasyon sa siyensiya’t teknolohiya at international road transportation.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio