Tsina, pinanguluhan ang Mataas na Lebel na Pulong sa Isyu ng Palestina at Israel

2023-12-01 16:30:32  CMG
Share with:

Sa ilalim ng mungkahi ng Tsina, Tagapangulong bansa ng United Nations Security Council (UNSC) sa buwang ito, idinaos Nobyembre 29, 2023, ng UNSC ang Mataas na Lebel na Pulong sa Isyu ng Palestina at Israel, na pinanguluhan ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.

 


Ipinahayag ni Wang na sapul nang sumiklab ang alitan ng Palestina at Israel, palagiang nagsisikap ang Tsina para isakatuparan ang kapayapaan at iligtas ang mga buhay. Bilang tagapangulong bansa ng UNSC sa buwang ito, palagiang itinuturing na pinaka-kagyat na isyu ang alitan ng Palestina at Israel.

 

Binigyan-diin ni Wang na dapat pasulugin ang komprehensibo at pangmatagalang tigil-putukan; gumawa ng mas pragmatiko at makapangyarihang aksyon para mapangalagaan ang mga sibiliyan; buhayin muli ang pampulitikal na prospek ng “Two-State Solution;” at pasulungin ang responsable at makabuluhang aksyon ng UNSC.

 

Sinusuportahan ng lahat ng panig ang pagpapatuloy ng pansamantalang tigil-putukan hanggang makamit ang permaneteng tigil-putukan, nanawagan na palayain ang mga bihag, proteksyon ng mga sibiliyan, pinakamataas na tulong na humanitarian, at garantiyahan ang maayos na pagpapasok ng mga materyales.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil