Ika-16 na Pulong ng mga Ministro ng Kalusugan ng Tsina, Hapon at Timog Korea, idinaos sa Beijing

2023-12-04 16:42:31  CMG
Share with:

Disyembre 3, 2023, Beijing – Nilagdaan ng Tsina, Hapon at Timog Korea ang Memorandum of Cooperation kaugnay ng Ika-16 na Pulong ng mga Ministro ng Kalusugan ng Tsina, Hapon at Timog Korea. 

 

Binalik-tanaw sa pulong ang bungang natamo ng tatlong bansa sa kooperasyong pangkalusugan, tinalakay ang prospek ng kooperasyon sa hinaharap, at nagpalitan ng karanasan hinggil sa pangkagipitang reaksyon sa mga nakakahawang sakit at iba pa.

 

Bago idaos ang pulong, magkakahiwalay na nakipagtagpo si Lei Haichao, Pangalawang Ministro ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, kina Kauhiro Oshima, Pangalawang Ministro ng Kalusugan ng Hapon; Park Min-Soo, Pangalawang Ministro ng Kalusugan ng Timog Korea, at Zsuzsanna Jakab, Acting Regional Director for the Western Pacific ng World Health Organization (WHO).

 

Bukod dito, lumahok din sa naturang pulong ang nasa 60 kinatawang kinabibilangan ni Lee Hee-sup, Kalihim-Heneral ng Trilateral Cooperation Secretariat, at iba ba.

 

Itinatag noong 2006, ang Pulong ng mga Ministro ng Kalusugan ng Tsina, Hapon at Timog Korea ay halinhinang idiniraos ng tatlong bansa kada taon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio