Sa kanyang talumpati Disyembre 2, 2023, sa Summit ng mga Leader ng Tsina at Group of 77 (G77), ipinahayag ni Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer at Espesyal na Representante ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kasama ng mga umuunlad na bansa, handang magsikap ang Tsina para itayo ang berde at mababang-karbong na kinabukasan.
Si Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer at Espesyal na Representante ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina (photo from Xinhua)
Aniya, nitong ilang taong nakalipas, aktibo at matatag na pinapasulong ng Tsina ang target ng carbon peak emission at carbon neutrality.
Habang isinasakatuparan ang internasyonal na obligasyon, nagsisikap din aniya ang Tsina para tulungan ang ibang umuunlad na bansa sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Nanawagan si Ding para sa lalo pang pagkakaisa ng Tsina at G77, upang mapasulong ang komong interes ng lahat.
Marami pang paraan tungo sa pagpapabuti ng pandaigdigang pamamahala sa klima, dadag niya.
Idinaos ang naturang summit sa panahon ng Ika-28 Sesyon ng Conference of the Parties to the UN Framework Convention on Climate Change (COP28).
Salin:Sarah
Pulido:Rhio